Ang Kuwago at ang Pusa
I
Ang Kuwago at ang Pusa pumalaot sa dagat
Sakay ng isang magandang luntiang banka,
May dalang minatamis at maraming salapi,
Lakip ang limampung piso.
Ang Kuwago’y tumingala sa mga bituin sa langit,
At humihimig sa saliw ng isang munting gitara.
“Oh, kaibi-ibig na Pusa, minamahal kita,
Anong gandang Pusa lkaw.
lkaw,
lkaw!
Anong gandang Pusa lkaw!”
II
Sabin g Pusa sa Kuwago, “Ang kisig mo!
Ang lambing at ang tamis mong umawit!
Halina at magpakasa tayo, ano pang hinihintay Mo!
Subalit anong gagamitin nating singsing?”
Pumalaot pa sila ng malayo, isang taon at isang araw,
Sa isang dako, ang punongkahoy na Bong kung tawagin ay nagsisitubo.
Sa gitna ng kakahuyan, Biik ay nakatayo
Na may singsing sa dulo ng kanyang ilong,
Ng kanyang ilong,
Ng kanyang ilong,
May singsing sa dulo ng kanyang ilong.
III
“Mahal kong Biik, puwede ko bang bilhin
Ng isang piso ang singsing sa ilong mo?”
Sabin g Biik ay “Oo, gusto ko.”
Kinuha nila ito, at sila’y ikinasal kinabukasan
Ng isang Pabo sa may bundok sa kanluran.
Nagdiwang sila, kumain ng sagana.
Magkahawak kamay, sa tabing-dagat,
Sila’y sumayaw ng sumayaw sa ilalim ng liwanag ng sikat ng buwan,
Ng buwan,
Ng buwan,
Sila’y sumayaw sa liwanag ng buwan.